Ang paglagda sa Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898 ang naghudyat sa katapusan ng digmaan sa pagitan ng Espanya at United States. Ipinagkaloob ng Espanya sa United States ang kapangyarihang mamahala sa Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyar. Bagama't nagsasariling bansa na ang Pilipinas bago pa man lagdaan ang Kasunduan sa Paris, ipinagpatuloy pa rin ng Senado ng United States ang pagpapatibay ng nasabing kasunduan.


Sa pag dating ng mga bagong mananakop na Amerikano, naramdaman agad ng mga Pilipino ang pagtataguyod nila ng imperyalismo. Ang imperyalismo ay isang hakbang para sa pag papalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang bansa.