Si William McKinley ay ang ika-25 na presidente ng Estados Unidos na naglingkod mula Marso 4, 1897 hanggang mapatay noong Setyembre 1901. Sa kanyang administrasyon sumiklab ang digmaang Espanyol Amerikano na nag bunsod sa paglusob ng hukbong Amerikano sa Maynila upang pabagsakin ang mga Espanyol sa Pilipinas.

Proklamasyon ni Pangulong William McKinley
- Sa pagsasakatuparan sa tungkuling ito, ang komandante militar ng United States ay hinihikayat na ipabatid sa mga residente ng Pilipinas na sa paghalili sa soberanya ng Espanya, sa pagputol ng dating ugnayang politikal at sa pagtatag sa bagong puwersang politikal. Maging tungkulin ng ng komandante ng mga puwersang pampananakop na ipabatid at ihayag sa paraang mababatid ng higit na nakararami na dumudulong tayo hindi bilang mga mananakop at manlulupig kung hindi bilang mga kaibigan, upang pangalagaan ang mga katutubo sa kanilang panahanan, sa kanilang trabaho at sa kanilang mga karapatang personal at panrelihiyon.
Dapat maging masigasig na hangarin at nakatataas na layunin ng administrasyong militar na matamo ang tiwala, paggalang at paggiliw ng mga residente ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag tiyak sa kanila sa lahat ng paraang maaring gamitin na igagawad ang kabuuan ng mga indibidwal na karapatan at kalayaan na siyang pamana ng malalayang lahi, at sa pamamagitan ng pag papakita sa kanila ng misyon ng United States ay ang MAPAGKANDILING ASIMILASYON na maghahalili ng ng banayad na impluwensiya ng katarungan at katuwiran sa hindi makatuwirang pamamahala.