Ang Kontribusyon ng mga Gerilya
     Layunin nilang guluhin ang pamumuno ng mga Hapones.
Mga pangkat; Hunter's ROTC, Marketing, HUKBALAHAP(Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon)


Pagbabalik ng mga Amerikano
 Pinamunuuan ni Heneral Douglas MacAthur ang puwersa ng mga Amerikano, na dumaong sa Palo,Leyte. Isa-isa nilang binawi ang mga lupaing nasakop ng mga Hapones.
Hulyo 1945- Ipinahayag ni MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa mga Hapones.
Agosto 6, 1945- Pagpapasabog ng bomba atomika sa Hiroshima, Agosto 9 naman sa Nagasaki.

Pagtatag ng Bagong Republika
  Abril 23, 1946- Halalan sa pagkapangulo (Manuel Roxas) at pangalawang pangulo(Elpidio Quirino).
 Hulyo 4, 1946- Ipinroklama ang kalayaan ng Pilipinas.


Kasunduan sa Base Militar
 Sa ilalim nito, pinahihintulutan natin silang magtayo ng mga base-militar, ngunit maraming hindi sumangayon dahil kasama na dito ang pagkawala ng karapatan natin upang pamahalaan ang ating bansa.
Bell Trade Act
  Kalakalan ng dalawang bansa (Pilipinas-US).
 Mayroong limitasyon ang sa Pilipinas ngunit sa mga Amerikano ay wala.
   
    
 
Larangan







Pampulitika












Pang-ekonomiya








Pangkultura






















Panlipunan
Mga Pagbabagong Ipinatupad
  • Isang bagong pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones. Itinalaga nila si Jorge Vargas bilang tagapangulo ng Philippine Executive Commission.
  • Sa bisa ng Executive Order No. 109,itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI),ang tanging partidong politikal na pinahintulutan ng mga Hapones sa Pilipinas.
  • Hinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo ng bagong republika ng Pilipinas.
  • Tinaguriang "puppet government" ang pamahalaan noong panahon ng mga Hapones dahil walang kapangyarihan ang mga pinuno nito na magpatupad ng mga programa at gumawa ng sarili nilang pagpapasiya. Bagkus ay naging sunod-sunuran ito sa kagustuhan ng mgs Hapones.
  • Lumaganap ang kahirapahan dahil sa (a) pagtigil ng mga maggagawa at magsasaka sa pagtatrabaho sa takot na maging biktima ng pagmamalupit ng mga Hapones; at (b) pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan .
  • Sapilitang ipinatanim ang bulak dahil kailangan ito ng mga Haponessa paggawa ng dinamita.
  • Nagpalabas ng salapi ang mga Hapones. Tinawag itong "mickey mouse money" dahil sa kakulangan ng mahahalagang impormasyon sa disenyo nito. Tinawag din itong "gurami",maliliit na isda na kahit madami ang bilang ay walang halaga; o "apa", dahil parang mahina o mapurok ito--- ang mga katawagang ito ay nagpapahiwatig na walang halaga ang naturang salapi.
  • Sinupil ng mga Hapones ang kalayaan ng mga Pilipino. Nagpatupad ng paghigpit sa mga pahayagan at inalis mula sa mga batayang aklat na ginamit sa mga paaralan ang anumang patungkol sa kulturang Amerikano at sa English.
  • Nagpatupad ang mga Hapones ng mga patakaran upang ibalik ang pagiging Asyano ng mga Pilipino na pinaniniwalaan nilang nawala ng dahil sa pananakop ng mga Kanluranin. (Espanya at United States)
  • Itinuro nila ang wikang Nippongo.
  • Nagpalabas sila ng mga dokumentaryo tulad ng "Song of the Orient" at "The Dawn of Freedom" tungkol sa pagwawagi ng mga Hapones sa Bataan at Corregidor.
  • Pinatutugtog din nila ang "Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas" kapalit ng "Lupang Hinirang" sa mga opisyal na gawain at pagtitipon.
  • Ayon sa salaysay ng mga nabuhay noong panahon ng mga Hapones,nabalot ng takot at lagim ang Pilipinas noon.
  • Labis na kinatakutan ang malupitat buktot na pamamaraan ng mga kempeitai o pulis-militar  ng Japan sa mga Pilipino.
  • Sa Fort Santiago karaniwang isinasagawa ang pagpaparusa at pagpapahirap, maaari din para sa pagkuha ng impormasyon, sa mga Pilipinong pinaghinalaang mga gerilya. Ilan sa mga paraan nito ay ang pinugutan,tinubig,kinulata at binilad.
  • Naging laganap ang pang-aabuso sa kababaihan sa panahon ng okupasyong Hapones.
  • Upang pigilin ang anumang tangka sa pag-aalsa o paglaban sa Japan ,nagbayad ang mga Hapones ng ilang Pilipino para mag-espiya para sa kanila.Tinawag ang mga espiyang Pilipino na ito na buslo.
 
Picture









Ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan ( Death March) ay ang pagpapalakad sa mgaa sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampangang wala sa kanilang pinakain o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.

Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan ay may bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonete habang lumalakad ng walang pahinga, pagkain, at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay pinagbababaril. Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos pag-babarilin at sila ay pumunta sa ibat-ibang lalawigan.


 
Picture
Matapos mapasakamay ng Japan ang Bataan, napilitan si Jonathan Wainright,kahalili ni Heneral Douglas McArthur bilang pinuno ng United States Army Forces in the Far East(USAFFE), na sumuko kay Heneral Masaharu Homma, pinuno ng puwersang Hapones sa Pilipinas. Naghudyat ang pagsukong ito noong Marso 6,1942 sa pagbagsak ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas at ang pagtatag ng pamahalaang Hapones sa ating bansa.

 
Picture
Upang mailigtas ang Maynila mula sa pagsasalakay ng mga Hapones,ideneklara itong "open city" ng mga Amerikano. Sa batas ng digmaan, ang isang lugar na ideneklarang open city ay hindi dapat pasabugan o lususbin ng mga mananakop dahil wala nang kakayahan ang mga mamamayan na ipagtanggol ito. Maaari lamang pasukin o sakupin ang isang open city nang mapayapa. Hindi kinilala ng mga Hapones ang pagiging open city ng Maynila. Binomba nila ang Maynila at tuluyang nasakop noong Enero 2, 1942.

 
Picture
Noong Disyembre 7, 1941 (Disyembre 8 sa Pilipinas, sorpresang inatake ng puwersang panghimpapawid ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii kung saan nakahimpil ang pinakamalakas na puwersang pandagat ng United States.

 
Layunin ng Japan  na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa ilalim ng kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong panlipuna, pampulitika, pangkultura, at pangkabuhayan ng rehiyon. Ang tawag sa naturang layunin ay "Greater East Asia Co-Prosperity Sphere."
 
Picture
Si Adolf Hitler (20 Abril 1889 – 30 Abril 1945) ang nagsilbing dating Kansilyer(Chancellor) ng Alemanya mula 1933, at ang "Führer" (Pinuno) ngAlemanya mula 1934 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang pinuno ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman(Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilala bilang ang Partidong Nazi.

Nakamit ni Hitler ang kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda at maaalindog na mga pananalumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo, antisemitismo, at anti-Komunismo. Sa pagtatatag ng maayos na ekonomiya, pagpapaigting ng militar, at isang rehimeng totalitarian , gumamit si Hitler ng isang agresibong patakarang pandayuhan (foreign policy) sa paghahangad na mapalawak ang Lebensraum ("puwang na tirahan") ng mga Aleman, na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa pinakamalaking abot-saklaw nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya, subalit kasama ang ibang Axis Powers, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga Mga Alyansa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig(Allied Powers). Mula noon, natapos ang mga patakarang panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-kumulang 11 milyong tao, kasama na rin ang pagpaslang ng 6 milyong Hudyo, na ngayo'y kilala bilang ang Holocaust.

Sa mga huling araw ng digmaan, si Hitler, kasama ang kanyang bagong asawang si Eva Braun, ay nagpakamatay sa kanyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan ng hukbong Sobyet ang lungsod.


 
Picture
❒Layunin nitong gumawa ng batas para sa mga Pilipino.


❒Nahalal blang ispiker si Sergio Osmena.

 
Picture
❒Alinsunod sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie, bumalangkas ng saligang batas ang mga Pilipino sa pamumuno ni Claro M. Recto  noong Peb.8,1935.


❒Inaprubahan ito ni Pang. Franklin Roosevelt Marso 23,1935 at pinagtibay ng mga Pilipino sa isang plebisito noong Mayo 14,1935.