Picture









Ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan ( Death March) ay ang pagpapalakad sa mgaa sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampangang wala sa kanilang pinakain o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.

Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan ay may bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonete habang lumalakad ng walang pahinga, pagkain, at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay pinagbababaril. Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos pag-babarilin at sila ay pumunta sa ibat-ibang lalawigan.





Leave a Reply.